Impormasyon sa Disaster Prevention Para sa mga Dayuhang Residente
Sa mga nangyaring kalamidad sa ibat ibang bahagi ng bansang Japan, may ilang sitwasyon kung saan ang mga dayuhang residente ay naiwan at napabayaan. Pinangangambahan din ang posibleng maganap na lindol sa hinaharap sa mga lugar ng Tokai, Tonankai, Nankai. Ligtas ba ang sistema nang suporta sa inyong komunidad?
Seminar tungkol sa Disaster Prevention para sa Dayuhang  Residente 
          Sa mga dayuhang residente na naninirahan dito  sa Mie, may ilan sa kanila na nanggaling sa mga bansa walang karanasan tungkol  sa lindol.  Dito sa bansang Hapon, mula  nursery at kindergarten, ang mga bata ay sinasanay na kung paano ang lumikas kung  may darating na kalamidad. Halos lahat ng mga residenteng Hapon ay may kaalaman  na tungkol sa Disaster prevention at pamamaraan upang mabawasan ang pinsala  subalit ang mga importanteng impormasyon na ito ay maaring hindi pa umaabot sa  pandinig ng ibang mga dayuhang residente. Upang mailigtas ang sariling buhay at ang  buhay ng buong pamilya, ano ang mga nararapat o kailangan gawin sa mga panahon  ito.  Ito ang pinagkakaabalahan sa  kasaluyan at nais ipaabot sa lahat, kung kaya’t ang disaster prevention seminar  ay inilulunsad. Para sa mga paaralan, resident’s community group, simbahan at  mga banyagang restaurant an at iba pa na nagnanais alamin ang mga bagay tungkol  dito , makipag -ugnayan po lamang sa mga namamahala nito.
          [MIE EARTHQUAKE PREVENTION GUIDE BOOK]  Multilingual version
          Ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa  lindol, mga kinakailangan paghahanda kung may lindol at mga bagay na lubos na  makakatulong sa panahon na mangyayari ang lindol.
          Portuges, Intsik, Espanol, Koreano( North and South), Ingles
          Mie Disaster Management Department http://www.pref.mie.lg.jp/TABUNKA/HP/jisinbousai_guidebook/index.htm
          [ INFORMATION SHEET  PARA SA DISASTER PREVENTION ]  Multilingual version
          Mga hazard map at mga alituntunin  para sa emergency actions na sinasagawa ng Mie Prefecture, 
          ( Portuguese,Chinese, Spanish,  Korean language, North Korean language , English )
          Mie Disaster Management Department http://www.pref.mie.lg.jp/TABUNKA/HP/jisinbousai_guidebook/index.htm
MGA PROGRAMANG TUNGKOL SA DISASTER PREVENTION NA NAISAGAWA AT NAGKAROON NG PAGSASANAY.
Sa Mie, isinasagawa ang pagsasanay ayon sa kahilingan mula sa paaralan para sa mga mag-aaral at kanilang magulang. Ito ay naglalaman ng mekanismo ng lindol at tsunami, paghahanda sa oras ng pangangailangan at ginamitan ng videos at presentasyon upang mas madaling maintindihan. Para sa karagdagan impormasyon, ipinapakita rin dito ang ilang halimbawa ng earthquake resistance para maiwasan ang pagtumba ng mga kasangkapan sa loob ng bahay.
- Pambata: Mie Board of Education Education Affairs Department Disaster Prevention for School
 - Pambata: Mie Board ng Education Education Affairs Department Disaster Prevention for School E-mail:kyoiku@pref.mie.jp
 - Pang-matanda: Mie Earthquake Prevention Office 
TEL:059-224-2184 FAX:059-224-2199 E-mail:jishin@pref.mie.jp 
PAGBIBIGAY NG  IMPORMASYON SA ORAS NG KALAMIDAD
          telebisyon, radio, bosaimie.jp (wikang Hapon (mail delivery service),  English, Chinese, Korean, Portuguese, Spanish)
          (CHINESE ) 中国語: http://www.bosaimie.jp/pt/index.action  
          (KOREAN) 韓国・朝鮮語: http://www.bosaimie.jp/ko/index.action
          (SPANISH) スペイン語: http://www.bosaimie.jp/es/index.action
          
AT IBA PA
NTT Disaster Message Dial (171), Disaster Message Service Mobile phone version(Rehistro at kumpirmasyong impormasyon ng kaligtasan)
          IMPORMASYON MULA SA  MGA LOKAL NA PAMAHALAAN AT AHENSYA
          Maari natin gamitin ang [ Multi-lingual Disaster Created Tools ] na  nakasaad sa ibaba. Nakasaad dito ang mga mahahalagang impormasyon sa oras ng  kalamidad at ito nakasalin sa banyagang salita. 
          Multi-lingual Disaster Created Tools
          (Foundation)  Association of Local Authorities for  International Relations
          Maaring i-download ng libre ang evacuation  shelter sheet para magamit sa oras ng pangangailangan katulad ng lindol at iba  pang kalamidad. 
          MULTILINGUAL INFORMATION  SYSTEM (katulad ng website, mobile site @nippon) 
          Para sa mga serbisyo ng internet at mobile phone, mangyaring alamin ang  tamang homepage para sa multilingual information tungkol sa kalamidad.
          IMPORMASYON SA PAMAMAGITAN  NG COMMUNITY BROADCASTING STATION
          Sa naganap na lindol sa nakaraan Hanshin-Awaji Earthquake at Niigata  earthquake, napag-alaman na ang komunidad ay nagsimulang gumamit ng  multi-lingual community broadcasting station.   Para sa detalye at katanungan tungkol dito, mangyaring makipag-ugnayan  sa tanggap ng 
          Community Broadcasting Station (FM Wai-wai)  


